sana'y narito ka.
mga katagang ayaw kong naririning
sapagkat kung gusto ay kayang ipilit
ngunit wala sa panahon, maling pagkakataon
kaya't ang mga katagang binanggit, sinambit ng walang habilin.
sana'y narito ka.
ang sakit marinig
ng kasinungalingang bumabasag sa nakakabinging gabi.
pagkat ang panahon, ang pakakataon ay makailang saglit na naging mailap
sa pagnanasang sa iyo'y mapalapit
sana'y narito ka...
sana'y di na dumampi
sa nangungulilang pusong walang ibang hangarin
na ang mga napipintong pagkakatao'y hindi na nakaw na sandali
pagkat tayo'y sa mahabang panaho'y mananatiling nakakubli
