Kaya mo pa ba?
Kaya mo pa bang ngumiti
At itago ang pait ng mga luhang
Pilit mong ikinukubli
Kaya mo pa ba
Na sumaya at humalakhak
Habang ang puso mo
ay nabibingi sa
Lungkot at katahimikan
Makaka-inadak pa ba
Ang iyong mga paa
Kung and tanging naririnig mo
Ay mga katagang unti unting sumisira
Sa iyong pagkatao
Kung wala na ang kapayapaan
Sa gitna ng katahimikan
Saan ka tatakbo?
kanino , paano,
Kung ang taong kailangan mo
Ay bingi na sa iyong mga hingpis
At ang inyong mga puso’y
Umaapaw na sa pighati
Kaya mo pa ba?
Pagkat pinipilit ng isipang
Magmatapang at magtimpi
Kaya pa
Isa pa
isang saglit lang
Pagkat mas masakit
Ang habangbuhay mangulila
Sa iyong mga halik